Posts

Showing posts with the label mukat

I tried Silk Screen Pringing of Mukat T-Shirts (2009)

Image
Noong 2009, sinubukan kong mag-silk screen print ng "Mukat Comics". Natutunan kong mag screen printing noong ako ay nasa kolehiyo pa lang. Ang aking propesor na si Sir Pars Sison ang nagturo sa aking magprint. Sa kanya ko rin natutunan ang iba't-bang bagay na alam ko sa pagpinta, pag-stretch ng canvas, pag design ng stage at marami pang iba.  Sinuot ko ang mga damit na ito sa pag-punta ko sa mga Komiks Conventions lalo na sa Komikon.  Kung nagtataka kayo bakit ko pinopost ang mga lumang litrato na ito, simple lang ang sagot. Nagback-up ako ng mga files ko sa mga DVD at ngayon ko lang nakuha para i-transfer sa mas madaling maaccess ng hard drive. Para na rin may record online, nagdesisyon akong ipost ito, hindi sa aking website na "melcasipit.com" kundi dito sa Blogger.com para kahit mag-expire na ang website ko habang may blogger ay narito pa rin ang mga sinulat ko sa blog na ito.  Gumawa kasi ako ng blog na melcasipit.blogspot.com, doon ko nagsulat ng mga blogs...

Mukat Book 2 - Mukatman Blog

Image
Mukat Serye. Ito naman yung pangalawang "Mukat" Komiks na ginawa ko. Sinimulan ko itong gawin mga 4th year high school hanggang college. Nailabas ko na rin ito sa mga Komikon. Ang kopyang ito ay ang photocopied version.  Tulad ng mga una kong naipost, DIY din ang cover at binding ng komiks ko. Lumang kalendaryo ang cover paper para makapal. Pen and Ink with colored pencils saka mga cut-out sa AOL magazine para sa mga kunwating graphics.  Kaya ko pinaphotocopy ang komiks ko dahil may mga humiram ng komiks ko, nung panahon na iyon, original art pa ang pinabasa ko, hindi na isoli sa akin ng matagal yung komiks. Kaya nung bumalik sa akin ang kopya, pina-xerox ko na lang ng clear copy, at yun ang binook bind ko ko at pinabasa. Tinago ko na lang yung original art para di na maulit o mawala yung copy. Hanggang ngayon buhay pa yung original ng mga ito.  Ginawa ko itong cover art mga 2004 - 2005. Tingin ko ito yung era ko sa pag-gawa ng komiks na sobrang sipag kong gumawa. Malakin...