I tried Silk Screen Pringing of Mukat T-Shirts (2009)

Noong 2009, sinubukan kong mag-silk screen print ng "Mukat Comics". Natutunan kong mag screen printing noong ako ay nasa kolehiyo pa lang. Ang aking propesor na si Sir Pars Sison ang nagturo sa aking magprint. Sa kanya ko rin natutunan ang iba't-bang bagay na alam ko sa pagpinta, pag-stretch ng canvas, pag design ng stage at marami pang iba. 

Sinuot ko ang mga damit na ito sa pag-punta ko sa mga Komiks Conventions lalo na sa Komikon. 

Kung nagtataka kayo bakit ko pinopost ang mga lumang litrato na ito, simple lang ang sagot. Nagback-up ako ng mga files ko sa mga DVD at ngayon ko lang nakuha para i-transfer sa mas madaling maaccess ng hard drive. Para na rin may record online, nagdesisyon akong ipost ito, hindi sa aking website na "melcasipit.com" kundi dito sa Blogger.com para kahit mag-expire na ang website ko habang may blogger ay narito pa rin ang mga sinulat ko sa blog na ito. 

Gumawa kasi ako ng blog na melcasipit.blogspot.com, doon ko nagsulat ng mga blogs tungkol sa mga gawa ko at events na pinuntahan. Lumipat ako sa pagpost sa aking sariling website. Dumating yung panahon na kailangan kong mag-palit ng hosting at nahirapan akong i-migrate yung mga sinulat kong blogs mula sa unang hosting papunta sa susunod. Sinubukan kong icontact ang GoDaddy, subalit mahal ang service nilang automatic na i-migrate yung content sa lumang hosting papunta sa bago. Kaya nagdesisyon akong gawing back to zero ang content ng website. 

Sa ngayon, nagpopost pa rin ako sa website pero para sa mga work related at komiks related para sa mga clients. 






 

Comments

Popular posts from this blog

Team KOMIKERO at Family Feud PH