Mukat Book 2 - Mukatman Blog

Mukat Serye. Ito naman yung pangalawang "Mukat" Komiks na ginawa ko. Sinimulan ko itong gawin mga 4th year high school hanggang college. Nailabas ko na rin ito sa mga Komikon. Ang kopyang ito ay ang photocopied version. 

Tulad ng mga una kong naipost, DIY din ang cover at binding ng komiks ko. Lumang kalendaryo ang cover paper para makapal. Pen and Ink with colored pencils saka mga cut-out sa AOL magazine para sa mga kunwating graphics. 

Kaya ko pinaphotocopy ang komiks ko dahil may mga humiram ng komiks ko, nung panahon na iyon, original art pa ang pinabasa ko, hindi na isoli sa akin ng matagal yung komiks. Kaya nung bumalik sa akin ang kopya, pina-xerox ko na lang ng clear copy, at yun ang binook bind ko ko at pinabasa. Tinago ko na lang yung original art para di na maulit o mawala yung copy. Hanggang ngayon buhay pa yung original ng mga ito. 

Ginawa ko itong cover art mga 2004 - 2005. Tingin ko ito yung era ko sa pag-gawa ng komiks na sobrang sipag kong gumawa. Malaking bagay na di pa uso ang facebook. Kaya iwasan natin ang facebook hahaha joke lang. 

#komikslife #mukat #mukatman 

Comments

Popular posts from this blog

Team KOMIKERO at Family Feud PH