Mukat; Ang Una Kong Tapos na Komiks- Mukatman Blog

2nd year high school ako, 14 years old. Habang bumibili ako ng art materials sa paborito naming bilihan, nakita ko ang isang pocket book na walang sulat linya, blank pages lang. 



Noong panahong yun mahilig akong magbasa ng komiks at gusto kong makagawa ng sarili kong komiks. Binili ko yung pocket book at nagsimula akong gumawa ng sarili kong Komiks.



"Mukat" ang title ng komiks ko. Unang version. Iba pa ito sa Mukat na nailabas ko na sa mga komiks convention.



Mukat ang una kong natapos na komiks. Action adventure ito, parang dragon ball at ghost fighter, super robot, rpg, lahat ng media na naeexpose ako nailalagay ko sa komiks.

Fun times.

#komiksLife









Comments

Popular posts from this blog

Team KOMIKERO at Family Feud PH