Mukat version 1 Book 3: A Retrospect



Limited lang ang budget ko noong college. Kaya DIY pa lahat. Gumawa ako ng komiks sariling book-binding sa photocopied pages. Sa cover, gumamit ako ng lumang calendaryo kasi makapal ang papel nun. Doon ko drinowing itong cover art at back cover. Pen and ink plus faber castel colored pencils. Syempre para legit kailangan ng price, kunwari at texts. Gumupit ako sa mga magazine ng pwede ko idagdag sa cover pati barcode hahaha na dapat sa likod pala. Siguro 2004 or 2005 ko ito ginawa. 

Di pa ako marunong sa Photoshop. Wala akong access sa computer maliban sa school. Maarte  rin ang photocopy samin ayaw nila ng back to back 🙁 pero ayos lang at least nakagawa ako ng komiks na pwede ko ipabasa sa mga kaklase ko.

#komikslife #mukat #mukatman 

Comments

Popular posts from this blog

Team KOMIKERO at Family Feud PH