Wacom Drawing Tablet Pricelist in 2006


 Naghahalungkat ako ng gamit at nakita ko itong flyer ng Drawing Tablets na gawa ng Wacom. Nung panahong ito, pangarap lang ang magkaroon ng pen tablet kasi medyo mahal at ako bagong graduate lang. Kung ang preyo ay 1000 php pataas mahal na sa akin yun nung 2005. 

Ang una kong drawing tablet ay Wacom Bamboo di ko na sigurado kung magkano ko yun nabili pero siguro nasa 3 to 5k ang presyo nun mga 2010 na. Di pa ako gaanong marunong mag-Photoshop noon. Tinago ko lang yung Wacom Bamboo kasi di ako sanay, galing kasi ako sa traditional media kaya hira ako sa digital. 


2012 nag-trabaho ako bilang isang graphic artist at doon ko nagamit yung bamboo tablet ko ng araw-araw. Doon ako nasanay. 2014 nakabili ako ng wacom cintiq 13HD na ginagamit ko pa rin hanggang ngayon. Meron din akong Huion Kamvas 13 pero that's for another time. 

Comments

Popular posts from this blog

Team KOMIKERO at Family Feud PH

20th Gawad Tanglaw's Recognition to Mr. Tony Velasquez of Kenkoy